Pero bago natin pag- usapan ang mga hiking spots in Davao ay ating alamin kung ano ang kaibhan ng hiking, trekking at mountain climbing. Ang hiking ay isang recreational activity na tumutukoy sa paglalakad sa isang naturang daanan ng isang burol, bundok o kahit sa isang parke. Ang hiking ay maaring tumagal ng overnight o isang araw. Ang trekking naman ay paglalakad rin ngunit ito ay mas gumugugol ng mas mahabang panahon, ito ay umaabot ng ilang gabi at araw. Ang trekking din ay maaring off hiking trails, kung saan ka puwedeng maglakad para makarating sa destinasyon mo, doon ka daraan basta alam mong safe. At ang mountain climbing naman ay maaring maging hiking o trekking paakyat sa bundok.
Ngayong klaro na tayo sa mga ibig sabihin, balik na tayo sa mga Hiking spots in Davao. Unahin natin ang mga
Easy hiking spots in Davao
➔ Angel’s Camp
Sa Bagong Silang, Balutakay, Bansalan ang isa sa mga paborito at dinarayong tourist attraction at hiking spots in Davao del Sur. Ang haba ng trail ay 3.7km. Ang Angel’s Camp ay matatagpuan sa isang napakagandang burol, luntiang kulay ang pumapalibot dito. Ang mga hikers na pumaparito ay siguradong nakakaranas ng sulit na sulit na escapade. Sa bandang hapon ay nakakaranas sila ng sea of clouds, katunayan eto talaga ang inaabangan ng mga hikers. Sa umaga ay masarap humigop ng isang mainit na kape o kaya ay hot chocolate. Ang kahali-halinang tanawin din ng mga bundok ay nagsisilbing backdrop para sa isang larawang puno ng bagong masayang karanasan. Bilang pagsasa-alang-alang sa kalikasan, karaniwang ginamit ang kawayan sa paggawa ng mga mauupuan at matutuluyan ng mga hikers.
➔ People’s Park
Isa sa mga easy hiking spots in Davao ay ang People’s Park. Ito ay isang 6-minute loop trail. Marami ang pumaparito upang maglakad- lakad o kaya ay mag-jogging, enjoy naman ng mga hikers ang maglakad-lakad dahil sa ganda ng parke, kaya kahit na ilang ikot ka sa parke ay okay lang. Ang parke ay mayroon ding mini-forest, man-made falls, dancing fountain, fish ponds at children’s playground. Ito ay isang mainam na hiking spots in Davao sa kahit anong edad o sinomang nais maging toned o fit ang pangangatawan.
Moderate hiking spots in Davao
➔ Viper Peak
Isa ito sa mga kinagigiliwan ng mga lokal at dayuhang bumibisita sa Toril, Davao. Ang 6 na kilometrong hiking ay umaabot sa higit 2 oras upang makompleto. Ang hiking spots din na ito ay mainam din para sa mga mahilig magbisekleta.
➔ Eden Trail
Ang hiking spot na ito ay malapit sa isa sa mga tourist spot sa Davao, ang Mount Eden Nature park. Ang trail na ito ay 11.3 km, sa normal phase makokompleto mo ang trail sa loob ng 4 na oras. Ang haba ng trail na ito ay may halong well paved na daanan at parteng maputik kaya naman masusing pag-iingat ang paalala sa mga hikers. Mainam din ang lugar para sa biking.
➔ Mandug Hanging Trail Bridge
Ito ay isang loop trail, at kahit na ito ay 20.8 km trail ito ay kabilang parin sa mga moderate hiking spots in Davao. Tinatayang 5 oras na hiking para ito ay makompleto. Isa sa mga challenging part ng hiking trail na ito ay ang tulay nito na gawa lamang sa lumber at plywood.
➔ Tumpis Lake Venado
Kumpara sa mas naunang trail na 20.8, ito ay 20. 4 kilometer lamang ngunit aabutin ka ng halos siyam na oras para matapos ang trail. Kung bakit ay dahil isa ito sa mga madaraanan mo kapag ikaw ay aakyat ng Mt. Apo. Ang pag-akyat sa Mount Apo ang isa sa mga bundok na mahirap akyatin. Ang pag-akyat dito ay may iba’t-ibang trail at isa na dito ang Tumpis Lake Venado.
➔ Binaw Trail
Isa rin sa mga challenging hiking spots in Davao ang Binaw trail, ito ay may 30.3-km loop trail at aabutin ka ng halos 11 na oras para makompleto ang trail. Kagaya ng ibang mga trail, ito rin ay maaring biking trail. Ang ilang mga hiker dito ay nakaranas ng makapitan ng mga limatiks (blood leeches) kaya paalala ay magkaroon ng tamang kasuotan kapag mag-hi-hiking.
Hard hiking spots in Davao
➔ Mount Apo
Ang Mount Apo ang tinaguriang “grandfather” ng lahat ng mga bundok sa bansa. Sa mga nag uumpisang hikers o mga beginners, nagiging goal nila ang maakyat ang Mt. Apo. Ang pag-ha-hiking dito ay hindi rin basta basta, dahil sa ito ay isang National Park, lahat ng nagnanais mag-hiking dito ay kailangang may lisensya. Ang bundok Apo ay may taas na halos 3 libong metro, kaya hindi nakapagtataka na ito ay mahirap akyatin. Meron ding mga iba’t-ibang trail paakyat sa tuktok nito ngunit siyempre mahirap parin ito. Ito ay nasa 5/5 ang difficulty level.
Sa iyong pag-akyat ay sasalubong sa iyo ang mga lawa, berdeng-berdeng kakahuyan, makukulay na mga bulaklak, preskong hangin Nangangailangan ding tumawid sa ilog upang makarating sa taas.
➔ Kapatagan Trail
Matatagpuan sa Santa Cruz ang isa sa mga difficult/hard hiking spots in Davao. Ma-e-enjoy ng mga hikers ang walo at kalahating oras na paghi-hiking dito sa Kapatagan trail. Ang hiking spot na ito ay mainam din para sa backpacking at camping. Kadalasan nagkikita-kita dito ang iba’t-ibang grupo ng mga hikers, dayuhan man o lokal.
➔ Babak: San Antonio Loop
Isa rin ito sa mga mahirap na hiking spots in Davao. Aabutin ka ng 12 oras, depende pa sa kung gaano ka kabilis o kabagal para makompleto ang 45.5 loop trail na ito. Ito ay nag-uumpisa sa Barangay San Isidro (Bakbak) hanggang Barangay San Antonio.
Ang paghi-hiking ay isa sa mga paraan para komonekta sa kalikasan, tamasahin ang ganda nito, ang sariwang hangin, mabuti pa sa kalusugan at maganda rin para sa pagkakaroon ng bonding kasama ang pamilya o mga kaibigan.
Ang mga ibat-ibang hiking spots in Davao ay may kani-kaniyang katangian, biyahe na sa Davao para sa iyong susunod na hiking.
Para sa inyong mga pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, tumawag lamang sa Mabuhay Travel, kayo ay aalalayan ng aming mga Filipino Travel Consultants para sa inyong mga iba’t-ibang pangangailangan.