Ang pagpla-plano ng isang well deserved holiday at ang pagsisisikap na makahanap ng best days when to book a flight ay maaring mas magastos at frustrating, sa kahit kanino at kahit pa ang mga propesyonal na manlalakbay ay nakakaranas nito.
Ang mga flight ay mas mura ng hindi bababa sa dalawang buwan bago ang mga petsa ng paglalakbay ayon sa pagsusuri sa mga ibat ibang paliparan sa buong mundo. Pero minsan kahit akala natin ay jackpot na tayo at nakamura sa tiket natin, meron at meron pa ding hindi maiiwasang mga aberya. At kapag eto ay nangyari sa atin stress at butas ang bulsa ang abot natin. Marami tayong mababasang mga impormasyon sa internet ‘’when to book a flight’’ maraming mga tips, suhestiyon kung kailan, saan, paano, ano ang dapat i-check. Maraming katanungan at marami ring mga sagot. Ang pagsubok sa mga mungkahing ating mahahagilap ay maaring makatulong upang tayo ay makasave ng malaki o mas higit pa sa inaakala natin. Tayo ay mag-matyag sa mga presyo ng tikets na ninanais natin, at kung pasok sa ating budget, go tayo. Naglista ako ng mga ilang pontos na maaring makatulong sa ating pagplaplano when to book a flight.
When to book a flight to Philippines? Kailan nga ba dapat? Ito ay nakasalalay ng buong-buo sa ating mahusay na pag -aaral, masusing pag iisip at pagdedesisyon sa ating paglalakbay. Gayunpaman bago tayo mag-book ng flight dapat nating isa-alang-alang ang mga sumusunod:
Presyo ng tiket
Kung may napili na tayong petsa when to book a flight, to ang isa sa pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-alang bago mo bilhin ang iyong plane ticket. Bawat eroplano ay may sari-sariling presyo ng tiket, at mas madalas kaysa hindi, palaging ginugusto ng mga tao na pumunta sa isang murang deal. Ito ay hindi na nakakapagtaka sapagkat lahat tayo gustong maka-save ng kahit konting pera na pwede nating gamitin para sa ibang bagay. Mahalagang suriin kung ang presyo na inaalok ay may kasama ng buwis o hindi pa ito nakasama. Dapat ding tignan kung may mga dagdag bayad ba sa mga bagahe na kung susumahen ay mas mahal pa kaysa sa babayaran mo.
Bakasyon o holiday travel
As a rule of thumb in general, i-book ang iyong flight to Philippines ng 4-5 lingong mas maaga sa orihinal na petsa kagaya ng pasko o bagong taon. May mga nagsasabi ding ‘’fly on that day itself (duh)! Sino ang magplaplanong maglakbay sa mismong araw ng pasko, pero kung pag uusapan ang saving, big time saving ito.
Peak / Off Season at destinasyon
Ang destinasyon na patutunguhan natin, ito ba ay tourist spot, ito ba ay on peak season? Kapag peak season ibig sabihin madaming turista o lokal ang bumibisita dito, pwedeng school break o kaaya-aya ang weather sa panahong ito. Sa oras na ito may malaking agwat ang presyo ng pamasahe sa Off peak season. Kahit ang mga hotels na nakapalibot sa buong lugar ay nagtataas din ng presyo. Kapag Off peak season naman, anong dahilan, bakit Off season? Ito ay maaring sa kadahilanang panahon ito ng bagyo at halos araw araw ay umuulan. Hindi natin gugustuhing magbakasyon sa maling season at hindi rin natin nanaisin na gumasto ng malaki para sa isang bakasyon na overcrowded ang lugar at sisimot ng buong ipon natin. Maging flexible tayo sa pagpili at pagdedesisyon when to book a flight.
Baggage Allowance
Ito ay isa ding bagay na dapat isaalang-alang lalo na kung ang plano natin ay isang mahabang bakasyon. Meron tayong tinatawag na limited baggage weight kung saan pwede nating dalhin ang ating mga bagahe basta hindi lalampas sa naturang patakaran ng paliparan at kung may lampas man dapat tayong magbayad ng dagdag. At muli, ibat iba ang patakaran ng bawat eroplano kaya nararapat lamang na suriing Mabuti ang mga bagay na ito. Lahat ng manlalakbay ay parating pinapayuhang magplano ng maaga. Dalhin ang mga bagay na importante lamang upang maiwasan ang dagdag bayad o kaya minsan ay aberya ng iyong paglalakbay.
Halts o stop over
Kahit na iyong tiket ay direct flight importante pa ding suriin ito ng mabuti. Ito ba ay non-stop flight o kaya ay maraming halts o stop over. Makakatulong na pag-isipang mabuti kung ito ba ay makakatulong sayo o mas maantala ka sa dami ng stop over mo. Halimbawa, iniisip mo na mas mura nga ang tiket mo kumpara sa iba pero matatagalan ka namang makarating sa destinasyon mo. Mahalagang isipin na okay lang ba ang mag aksaya ng oras sa konting halaga ng diperensya sa bayad ng tiket.
Transit Time
Kung mas pinili mo ang indirect flight ipinapayong suriin nang maayos at maingat ang transit time. Minsan, kakailanganing maghintay ng ilang oras sa airport bago ang iyong sususnod na flight. Ang paghihintay minsan ay mas nakakapagod at minsan ay boring. Meron din namang mabilisang transit time at kadalasan maraming pasahero ang nakaka-miss sa flight nila. Kung kayat kung may plano na tayo when to book a flight kailangan nating pagtuunan ng pansin ang mga ito.
Time and days of the flight
Ayon sa mga pagsusuri at mga surveys na ginawa sa ibat ibang paliparan palagiang higit na mas maganda ang flight to Philippines deals sa pagitan ng 2 – 5 am. May basehan din na mas nakakamura ang pagbobook ng flight sa kalagitnaan ng lingo lalo sa araw ng Martes at mas nakakasave ng halos 6%. Iwasan ang mga araw na popular sa mga manlalakbay kagaya ng Byernes at Linggo.
Travel Dates o petsa ng paglalakbay
Maliban sa isang opisyal, o emergency flight maari tayong makapagplano ng mga araw when to book a flight. Maari tayong maglista ng mga posibleng date na ninanais natin. Halimbawa tayo ay dadalo sa espesyal na okasyon, pwedeng mas maaga ng ilang araw para makapaglibot muna o kaya ay makapamasyal sa destinasyong pupuntahan natin.
Mga Ibang iportanteng bagay
Ating suriin cancelation/endorsement/ at change ticket rules. Karamihan ng murang deals ay non-refundable at non-changeable kaya kung hindi ka planado o sigurado sa pagbobok mo hindi mo makukuha ang pera mo. Kung magkagayonman makabubuting ikonsidera ang pagkuha ng insurance. Gamitin ng may pag iingat ang internet, magbasa sa ibat ibang sites patungkol sa mga flight deals, mga artikulong nag-aadvice when to book a flight, mga flight offers na pwedeng makatulong sa iyong pagdedesisyon. Huwag kakalimutang tumawag at magkompara ng presyo sa mga ibat ibang travel agency, tawag na sa Mabuhay Travel para makausap ang aming mga friendly and professional travel agents para sa great deals ng iyong flight.
Sa huling ponto! Ang perpektong araw when to book a flight ay nakasalalay sa iyong wais pagdedesisyon at masusing pagplaplano at pagbabalanse sa mga pontong nabanggit sa artikulong ito. Tayong mga manlalakbay ang bukod tanging makakapagsabi ng perfect time when to book a flight. Ang artikulong ito, kagaya ng iba pa ay gabay lamang na maaring makatulong sa iyong pagdedesisyon.
Sa panahon ng pandemya
Ang booking of flights to Philippines ay naging masalimoot din ngayon lalo na at pabago bago ang mga travel restrictions. Pinaka-maigi ngayon ang magbook gamit ang travel agency tulad ng Mabuhay Travel kung saan handa kang alalayan sa bawat proseso ng iyong booking.
Get your best deals to visit the Pearl of Orient Seas, Philippines, you can buy your tickets online or call to our No. 1 travel agent in the UK, Mabuhay Travel.