Fun things to do in Cagayan de Oro City- Attraction & Must See.
Seven Seas Water Park
Bisitahin ang bagong bukas na First ever world class waterpark dito sa Cagayan, ito ay naging sikat sa mga turista at local. Maraming kapanapanabik na slides at rides, mag eenjoy lahat bata at matanda.
Mapawa Nature Park
Pinaka-popular tourist spot sa Cagayan de Oro at maraming magagawa dito gaya ng pag-akyat o maligo sa talon, pangangabayo, canyoneering at cliff jumping kung malakas ang iyon loob.
Ang lugar na ito ay nakapabibigay ng kapayapan dahil sa natural na kapaligiran.
Catanico Falls
Isa sa mga magandang lugar, ito ay nasa Barangay F.S Catanico, Cagayan de Ora, 20 minuto ang layo sa sentro. Kung ikaw ay mahilg sa kalikasan, ito ang lugar na dapat puntahan.
Divine Mercy Shrine
Ito ay isang kahanga-hanga lugar na naging pang-akit sa mga turista at maraming deboto ang pumunta para makasali sa linggong misa ng simbahan.
Macahambus Cave
Ang Kuweba ay ang lugar ng makasaysayang labanan ng Macahambus noong Hunyo 4, 1900, dito nangyari ang unang tagumpay ng mag Pilipino laban sa Amerikano sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano.
Ana kuweba ay isang maikling yungib na humahantong sa isang nakamamanghang tanawin ng Cagayan de Oro River sa ibaba.
White Water Rafting
Cagayan de Oro ay isang Whitewater rafting capital ng Pilipinas, ito lang lugar sa Lungsod ng Pilipinas na may rafting sa buong taon. Ang buong whitewater rafting vacation ay siguradong na i-refresh ka, ang mabilis na daloy ng tubig, nakapagpapasigla, nakakatakot din pero masayang karanasan ang pakiramdam.
Gaston Park
Ang liwasan ito ay matatagpuan malapit sa Augustine Cathedral at ng Archbishop Palace. Ito ay pangunahing plaza ng Cagayan de Misamis sa pahanon ng Spanish colonial period at nagsilbi ito bilang lugar nagpasasanay sa mga local na patriot sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Nang maglaon naging lugar ng Labanan ng Cagayan de Misamis noong Abril 7, 1900.
The Golden Friendship Park – Divisoria
Tinayo noong 1902 upang maglingkod bilang isang fire breach. Ang liwasan ay kilala bilang Divisoria, binubuo ng limang Isla na nagtatampok ng mga monument ng pambansang bayani na si Jose P. Rizal, Pangulo Ramon Magsaysay at Andres Bonifacio. Ang Lungsod ng Freedom monument at ang Kiosko Kagawasan ay nasa Divisoria din.
Kiosko Kagawasan ay isang lugar para sa kultural ay pulitikal na kaganapan.
Mc Arthur Memorial Marker
Ito ay isang palatandaan sa Macabalan Wharf sa Cagayan de Oro, at nag sisilbing isa sa mga atraksyon ng Lungsod. Kung saan matatagpuan ang mga alaala ng pag ookupa pwersahan ng Amerikano sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. Digmaan pagkatapos nilang makuha ang mga ito mula sa mga Pilipino noong 1900. Dito din nagtungo Si General Douglas Mc Arthur sa kanyang pagtakas galing Australia noon world war II.
Tawag na sa aming mga Pilipino travel consultant para sa inyo bakasyon sa Pilipinas. MABUHAY TRAVELS