Ito ang mga all-time favourite street foods in Manila. Alphabetically order sila so kung nasa huli man yong favorite mo, okay lang favourite ko din yan.
Balut
Dahil alphabetical order tayo, magsisimula tayo sa isang pinaksasikat at kilala bilang exotic food at kasali sa listahan ko ng mga street foods in Manila. Ang Balut ay isang fertilized duck egg embryo na napakuluan. Ito ay isa sa mga pinipilahan at well I must say, masarap kapag mainit-init pa.
Banana-Q/ Kamote-Q
Ang proseso dito ay ang pagdi-deep-fry sa saging o kamote coated with brown sugar hangang sa magcarmelized ang asukal. Kadalasan ito ay ginagawa din sa bahay kasi madali lang naman gawin basta may saging o kamote at asukal okay na.
Binatog
Ito tingin ko ang all-time favourite ko.
Ang Binatog ay isang kombinasyon ng na-boil na corn cob na may hindi katamisang syrup at nabudburan ng ginadgad na niyog.
Fishball, kikiam, at squid ball
Isa pang patok na patok pagdating sa street foods in manila ang fishball, kikiam at squidballs. Ang mga ito ay karaniwang benta ng isang mobile vendor na nagtutulak ng isang portable cart. Ang mga ito ay nakadeep-fry hanggang sa magkaroon ng magandang kulay ng slight brown. Marami ding sarsa para dito, may maasim, maanghang at sweet, I mixed them. Kadalasan maririnig mo na lang ng sasabihin ni manong, o pwede ka ng tumusok. Dahil gamit ang isang bamboo skewer stick, tutusukin mo yong gusto mong kainin.
Helmets / Adidas
Tulad ng isaw, sila ay kabilang sa mga street foods in manila na naka-skewer at inihaw sa uling. Napakuluan ang mga ito at namarinade bago lutuin sa uling. Ang helmet ay ang ulo ng manok at ang adidas ay ang paa ng manok.
Isaw
Isa sa mga paborito ng karamihan na matatagpuan sa halos anumang sulok ng kalye ay Isaw. Ito ay maaaring manok o baboy na bituka na namarinade at napakuluan tsaka iniihaw. Mayroong iba’t ibang mga sarsa na n maari mong pagpilian.
Kwek Kwek
Walang alinlangang isa ito sa mga street foods in Manila na pinipilahan. Ito ay hard-boiled egg ng pugo and coated with an orange batter at deep-fry hangang maging crispy ito. Ang karaniwang presyo nito ay Php 15 para sa isang serving (4pcs)
Mango with alamang na hipon
Gamit ang isang variety ng manga, we call it apple mango, at napahiran ng pinaghalong maanghang at matamis na shrimp paste. At para sa akin, ito ay marahil isa sa mga pinakamahusay na bagay na maaari mong kainin sa mga lansangan ng Manila.
Pork BBQ
Ang pork bbq ay isa sa mga pinaka-iconic na street foods in Manila at ng buong Pilipinas. Hindi lang ito sa kalye makikita, madalas kasama ito sa picnic. Usok pa lang nito ay tinatakam kana. Madalas din itong partner sa kanin.
Taho
Kasama sa all-time favourite ng lahat ng pinoy ang taho. Ngunit hindi kagaya ng ibang street foods in Manila na makikita sa hapon, ito ay kadalasan sa umaga. Makakarinig ka na lng ng sumisigaw ng âtahoâ sa umaga, at dali daling tatakbo hawak hawak ang isang baso na lagayan mo. Ang Taho ay ang bersyon ng Pilipinas ng soft silken tofu (douhua), na mayroong mga pinanggalingan ng mga Tsino at sikat sa buong Timog Silangang Asya. Ang tofu ay karaniwang pinatamis ng isang asukal na syrup.
Turon
Ito ay saging na nabudburan ng asukal at nakapaloob sa isang egg roll wrapper, at na-dee-fry hangang sa maging golden brown ito at crispy. Hmmmm, now I feel like eating turon. Madali lang din ito gawin. Ito ay ngkakahalaga ng Php 5
bawat piraso. Sa Davao ay nilalagyan din nila ito ng langka (jackfruit).Â
Follow my Filipino travel blog at mamangha sa ganda ng ating bansa at para sa iba pang mga pagkain na patok na patok sa panlasa nating mga Pinoy at pati na rin sa turista. Or kung may hindi man ako naisulat ADD it now! You can also share your own favourite street food!
Call Mabuhay Travel now! Learn more about out our hot deals to the Philippines! Makipag â usap sa mga Filipino travel agents namin! Talk to them in your own native language Ilocano, Tagalog, Bisaya para sa mga cheap air fare ng inyong flight.