Beaches/ Islands Davao

Mount Apo

Ang Bundok Apo ay isang bundok na nasa mga lalawigan Davao del Sur at North Cotabato sa Pilipinas, at may layong 32 kilometro mula sa bahaging kanluran ng Lungsod Davao. Ito ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang Bundok Apo ay ang siyang pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa taas na 2,954 metro. Ang geothermal energy ang pinaggalingan sa bundok na ito. Wala pang ulat ng pagputok ng bulkan ng huling panahon.

Ang Bundok Apo ay patag sa ibabaw na may tatlong talutok. Sa bahaging timog sa ibaba ng bunganga ay may uka o vent na nilalabasan ng singaw na asupre. Tinatawag din itong Sandawa (Bundok ng Asupre) ng mga taong naninirahan sa paanan nito. May anim na katutubong pangkating nagtuturing sa Bundok Apo bilang sagradong lupain’ ang mga Manobo, Bagobo, Ubos, Atas, Kalagan at Tagakaola. Ang lugar na ito nila sinasamba si Apo Sandawa na kinikilala nilang dakilang ninunong ama o apo at pinagmulan ng pangalan ng bundok. Ang bunganga ng bundok na may 500 metrong lawa ay nagsisilbing isang malaking lawa, ang lawang Venado, na pinagkukunan ng enerhiyang heotermal.

Noong Mayo 9, 1936, idineklara ni Pangulong Manuel L. Quezon. na Pambansang Liwasan.

 

1987- inilathala ng National Geographic Society na nakabase in Washington, DC sa United States, ang isang aklat na pinamagatang “Our World’s heritage”. Kung saan ang Mount Apo ay kilala bilang isang “site of World Heritage caliber. Itinampok din ang Monut Apo’s iconic Philippine Eagle, kasama ang tatlong iba pang mga Heritage site which have already been designated as “UNESCO World Heritage Sites

 

Bundok Apo ay may tropical klima at ang 80,864 ektarya sa paligid ng bundok upang mapangalagan ang maraming dipangkaraniwang hayop at halamang matatagpuan dito. Makikita rin dito ang pinakamalaking Agila sa mundo- Banoy o Philippine Eagle, ang pambansang ibon ng Pilipinas. Mayroong 272 uri ng mga ibon na naninirahan sa kagubatan ng bundof at 111 sa mga ito ay tanging sa bansa lamang matatagpuan.

Mula sa Davao, ang Bundok Apo ay isang larawan ng isang dakilang bundok, na nagtatakda ng isang mahiwagang silweta sa maagang umaga o sa huli ng hapon sa paglubog ng araw. Subalit tulad ng sinasabi nila, ang kagandahan ng bundok ay mas maganda kung itoy makikita nang malapitan.

Tawag na sa aming mga Pilipino travel consultant para sa inyo bakasyon sa Pilipinas MABUHAY TRAVELS

 

 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Jocelyn@MabuhayTravel

Ako ay palakaibigan at masipag na tao, marunong makisama sa kapwa . mahilig akong mag basa at mag sulat. Gusto kong makapamasyal sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, para mas maibahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa paglalakabay.

You Recently Viewed ...

Best beaches in the Philippines

Best Beaches in the Philippines 2024

Virgin Islands in the Philippines

Where are the Virgin Islands in the Philippines?

things to do in Davao

Worthy things to do in Davao on your holiday!

things to do in Davao

Best Things to do in Davao on your Weekend Getaway

hiking spots in Davao

Hiking spots in Davao

LEAVE A COMMENT