“Places to visit with kids na magiging mas makabuluhan ngayon”
Ang taong ito ay naging masalimuot para sa lahat. Lahat ay napirmi sa kanilang mga tahanan. Naging opisina ang ilang sulok ng bahay, nauso ang online class at kadalasan ang mga bata nasa harapan ng television, computer, cellphone, playstations at kung ano ano pang mga gadgets na meron tayo. Pagkatapos ng pandemyang ito, maraming mga bagay ang gusto nating gawin, places to visit with kids, goin out of town, or malls. Naglista ako ng mga places to visit with kids at sana ay makatulong sa inyo ang mga ideyang ito.
Museums
Isa sa mga good places to visit with kids ay ang mga museums. Itinuturo ng mga museo ang kritikal na pag-iisip, empathy, at iba pang mga pangkalahatang mahalagang kasaysayan. Ito ay makakatulong sa mga bata na nasasabik tungkol sa mga asignatura sa paaralan. Ang mga museo ay nagpapalawak ng pangkalahatang kaalaman hindi lang sa bata kundi para sa lahat ng edad. Ang bansa ay may higit 20 na museums. Ang mga sumusunod ay ilan lang:
Ayala museum. Naglalaman ng mga contemporary arts and dioramas.
Admission: Regular Resident – P225; Students and Senior Citizen: P125
Business Hours: Tuesdays to Sundays, 9:00 am to 6:00 pm
National museum kung saan makikita ang sikat na Spolarium. Ito ay admission free.
University of Santo Tomas Museum of Arts and Sciences. Ang museo na ito ay ang pinakalumang museo ng bansa. Dadalhin ka nito sa ika-17 siglo at nagpapakita ng isang malinaw na paglalarawan ng kultura ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa Maynila.
Admission: Adult: P50; non-UST students: P30
Business Hours: Mondays, 1:00 pm to 4:30 pm and Tuesdays to Fridays, 8:30 am to 4:30 pm
The Mind Museum in Taguig, Manila. Ito ay tiyak na magugustuhan ng mga bata, ito ay angkop sa pag unlad ng kanilang imahinasyon.
Admission: Adult: P600; Student: P450; Public school student and teacher: P150
Business Hours: Tuesdays to Sundays, 9:00 am- 6:00 pm
Art in Island. Isang 3D type na museum. Na makikipaglaro sa isip ninyong mag anak. 500 pesos na entrance free para sa mga adult at libre para sa mga batang 3 feet below.
Get in touch with nature
Ang Pilipinas ay nabiyayaan ng magandang kalikasan. Places to visit with kids includes nature, sa pamamagitan nito makikita nila ang kahalagahan ng kalikasan, lalaki silang marunong magpahalaga sa kapaligiran nila. Ang kalikasan, sa kasamaang palad ay nasisira ng unti unti dahil sa modernisasyon ngayon. Kabilang sa mga places to visit with kids ay mga beaches, at marami tayo niyan. Mga world-class na kagandahan ng ating dagat. Mga puting buhangin sa ibat-ibang beaches. Ang simpleng panonood sa kulay ng kalmadong dagat o mga alon na susalpok sa dalampasigan ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. Sigurado sa mga bata ang paggawa ng sand castle ang kaiibigan nila. Paglalaro sa buhangin at pagkatapos ay ang magbabad sa tubig.
Isa pang nirerekomenda ko sa mga places to visit with kids ay mga bundok, kagubatan. Mga bundok na talaga namang nakakarelax sa pakiramdam, ang mga berdeng dahon ng bawat puno ay amoy na amoy mo ang kapreskuhan ng hangin, at sa bawat langhap mo nito ay mararamdaman mo hangang sa loob ang lamig nito. Maaring mag bird watching o hiking, sa ngayon ang mga bata ay nawawalan na ng koneksyon sa kalikasan kaya ito ay mainam na gawain at lugar para sa kanila. Mapapatibay ang kanilang resistansya at malayo pa sa polusyon. Ilan sa mga bundok sa ating bansa ang madali lang akyatin kasama ang mga bata, kagaya ng Bundok Makiling at Mount Pulag.
Mga Shrines at Parke
Ang mga shrines at parke ang isa sa mga recommended places to visit with kids. Dito sa Pilipinas ay may ibat ibang angking ganda ang bawat parke at shrine. Ang ilan ay hango sa kasaysayan ng bansa mismo kagaya ng Bonifacio Shrine sa Manila. Ang ipinamalas na sining dito ay isang obra maestra.
May mga religious shrine din na maaring bisitahin at isang mainam na pagpapa-alala sa mga bata sa kahalagahan ng pananampalataya. Isang recommended places to visit with kids ang Mama Mary’s Shrine in Lindogon, Simala, Cebu.
Tawag na sa Mabuhay Travel para mabisita ang mga lugar na ito sa Pilipinas. Makipag usap sa aming mga Filipino travel agent para sa mga murang deals ng iyong air ticket.