Festivals

September Festivals in the Philippines

Ang iyong bakasyon ay hindi makokompleto kung hindi ka makakadalo sa mga masisiglang festivals in the Philippines. Itaon mo na sa iyong pag-uwi ay mayroong pista para mas masaya, madarama mong muli ang kakaibang kagalakan.

Ang pista sa bansa ay isa sa mga namana natin sa ating mga ninuno. Ito ay kadalasang paggunita at pasasalamat na nakatuon sa isang relihiyosong kultura at paniniwala. Sa katunayan ay mayroong 42,000 na mga festivals in the Philippines ang nakatala, kasali ang mga pangunahin at minor festivals.

Narito ang mga festivals in the Philippines na ginaganap tuwing Setyembre, para alam mo kung saan ka tutungo kung ikaw ay uuwi.


Tuna festival (General Santos City) – First week ng September

Ito ay taunang ipibagdiriwang sa General Santos City mula pa noong 1998.  has been held annually in General Santos City since 1998. Isinasagawa ito sa unang lingo ng Setyembre. Ang buong isang lingo ay samu’t-saring luto ng tuna ang makikita at malalasahan mo. Dalawin ang GenSan at subukang makisaya sa kanilang Tuna Festival, masisiyahan ang iyong mga mata sa makukulay na dekorasyon at mabubusog din ang iyong tiyan sa ibat’- ibang masasarap na luto ng Tuna.


Bicol Food Festival (Naga City) – September 1- September 30

Isang food festival in the Philippines na nakatuon sa mga delicacies ng Bicol. Layunin nitong itaguyod ang kultura ng mga authentic foods sa Bicol at upang ipakita ang natatanging tradisyon nito sa pamamagitan ng lutuin. Ang mga lutuin tulad ng pinangat, laing, Bicol Express, at tinotongan ang karaniwang tampok.


Bonok-Bonok Maradjaw Karadjaw Festival (Surigao) – September 9

Isang award-winning cultural-religious festival in the Philippines kung saan ang mga tema sa street dancing ay naglalarawan ng mga alamat at pamumuhay ng mga katutubong Tribo ng Mamanwa. Ang pagdiriwang ay isang pagkilala rin kay St. Nicholas, ang Patron Saint ng lungsod, na ang piyesta ay ginanap naman sa Setyembre 10.


Peñafrancia Festival (Naga City) – 3rd Sunday ng September

Isa sa mga festival in the Philippines na nagtatampok ng fluvial parade sa Naga River. Ito ay kilalang pinakamalaki at pinakatanyag na pang-relihiyosong kaganapan sa bansa. Ang pagdiriwang ng Peñafrancia ay naging isang mahalagang marker o pagkakakilanlan ng karakter ng lungsod.


T’boli Tribal Festival ( South Cotabato) – Third week ng September

Ang T’Boli Tribal Festival ay isang taunang pagdiriwang na isinasagawa sa Lake Sebu, South Cotabato sa Pilipinas. Ang pistang ito ay mula sa kanilang paniniwala. Tinatawag ding Lemlunay ang fetival na ito kung saan nangangahulugan ng paraiso.


Anihan Festival (Lobo, Batangas) –  Last week ng September

Ito ay isa rin sa mga festivals in the Philippines na ang sentro ng atraksyon ay ang pasasalamat at pagpapakita ng isang masaganang ani. Ito ay pasasalamat na rin sa mga magsasaka kung saan malaki ang ginagampanan nila para magkaroon ng masaganang ani. Isang masiglang pista na kinagigiliwan ng mga taga Batanggas.


Dalit Festival (Tangub, Misamis Occidental) – September 30

Isa rin sa mga relihiyosong festival in the Philippines na nakatuon kay St. Michael the Archangel, ang patron ng lungsod. Ang ibig sabihin ng Dalit ay mag-alok – handog ng pasasalamat sa buong taon ng mabuting kalusugan, ani, at proteksyon.

 Ang mga festivals in the Philippines ay tinatampukan ng masiglang sayaw, makukulay na custome (mula sa kanilang sariling lokal na produkto), ang mahabang parada, maingay pero masaya, konsyerto, mga pageants o beauty and barain contest, street dancing, pasasalamat at kanilang ipinapakita ang espesyal sa kanilang komunidad. Inaabangan ng bawat mamayan at pati ng mga turista.

 Ano ang mga festivals in the Philippines na kinasasabikan mo tuwing Setyembre, nasubukan mo bang makilahok sa mga ito? Ikaw ay maaring magdagdag ng iyong masayang karanasan, ibahagi lamang ito sa espasyong nakalaan para sa mga comments.

 Para sa mga pangangailangan mo sa internasyonal na paglalakbay, maaring makipag-ugnayan sa aming koponan. Tumawag sa amin para serbisyong garantisado.



 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

London Barrio Fiesta 2023

Get Ready to Have Fun at the London Barrio Fiesta 2023: June 10th & 11th

December Festivals

December Festivals in the Philippines

Filipino New year traditions

Filipino New Year Traditions & Superstitions

Christmas Dishes

Christmas dishes you can only find in the Philippines

november festivals

November Festivals

LEAVE A COMMENT