Sa paglipas ng panahon ay dumarami ang nabibighani sa ganda ng Pilipinas at patuloy na umuusbong ang turismo. Ang Pilipinas ay isa sa mga naging paboritong holiday destinations. Ang ilan sa mga best island to visit ay ang mga sumusunod.
Boracay
Isa sa mga Top 10 most beautiful islands in the Philippines ang Boracay, matatagpuan sa probinsya ng Aklan. Napabilang din ito sa the most beautiful islands in the world. Maliit man ang islang ito ngunit kung ikaw ay isang beach-lover, hinding-hindi ka magkakaroon ng kahit anong dull moment sa Boracay. Ang taglay nitong powdery sand beaches at kaaya-ayang tanawin ng sunset ang bumibihag sa mga turista. Bukod sa paglango ay maari ka ding mag-scuba diving, windsurfing, kiteboarding / kitesurfing, horseback riding, helmet diving, snorkelling, cliff diving at parasailing. Maraming mga nakahilerang panuluyan at restaurant dito, maging sa gabi ay buhay na buhay din ang Boracay. Sulit na sulit ang bakasyon mo sa pagbisita sa islang ito.
Cebu
Ang Cebu ay isa sa mga best islands to visit in 2021, ito ay may nag-aalok ng sari-saring atraksyon at mga hanay ng aktibidad na maaring gawin habang nasa Cebu. Masisiyahan ka sa mga magagandang likas na tanawin nito tulad ng mga talon, beach at bundok.
Mayroon itong hindi mabilang na mga cove at beach na siguradong bibihag sa iyong puso. Ang mga beaches nitong may malinaw at asul na tubig, at kamangha-manghang mga coral reef sa baybayin ay parang mga larawang nakikita sa mga holiday-brochures. Ilan sa mga tanyag na patunguhan ang Bantayan Island, Camotes Island, Danao Lake at ang Sumilob Island na itinuturing na isang hiyas na dapat pakaingatan para mapanatili ang katangi-tanging ganda nito.
Huwag din nating kaligtaan ang mga makasay-sayang mga pook at itraktura na siyang nagsisilbing koneksyon ng nakalipas, ngayon at kahit kinabukasan. Mga paala-ala kung paano nahubog ang kultura natin nagyon. Tulad ng Krus ni Magellan, Fort San Pedro, Mactan Shrine, mga museo gaya ng Museo de Sugbo na itinayo noong 1871 at nagsilbing kulungan noon. Ang mga sinaunang simbahan ay isa rin sa mga atraksyon ng Cebu. Isa sa pinakalumang simbahan ang Santo Niño Basilica in Cebu na itinatag noong 1565.
Masasabing ang Cebu ay isa sa mga best islands to visit in the Philipines dahil sa pagkakaroon nito ng access sa halos lahat ng mga magagandang tanawin sa karatig na mga isla nito, ito ang “jumpstart” ng mga paglalakbay at adventura.
Luzon
Ang Luzon ay ang pinakamalaki at pinakapopular na isla sa Pilipinas. Sa buong mundo ito ay nasa ika 15th na ranggo sa pinakamalaking isla pamamagitan ng sukat nito sa lupain. ito ang sentro ng pang-ekonomiya at pampulitika ng bansa, nandirito rin ang kabisera ng bansa, ang Manila.
Isa ito sa mga paboritong island holiday destinations sa Pilipinas. 2-3 oras na paglalakbay patungong timog palabas ng Manila ay matatagpuan ang Taal Volcano, bagaman nakaraang taon ay nagkaroon ng eruption ang bulkan, ngayong 2021 ay maari ulit bisitahin ang isa sa pinaka aktibo ngunit paboritong bulkan sa bansa. Ang Central Luzon ay ang tahanan din ng mga top holiday destinations; Aurora, Pampangga, Tarlac, Clark at Subic Free port. Sa hilagang Luzon ay matatagpuan naman ang mga ilang popular attractions in the Philippines tulad ng Banaue Rice Terraces, Vigan – ang UNESCO World Heritage City at Baguio – Summer Capital of the Philippines.
From reef to ridges ang maaring mong pagpilian sa mga atraksyon nito, isang puno ng pakikipagsapalarang bakasyon ang naghihintay sa iyo sa iyong pagbisita sa Luzon.
Palawan
Ang Palawan ay isang probinsya sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan). Ito ang isa sa mga Island holiday destinations sa Pilipinas na kilala na sa buong mundo. Ang Palawan ay makailang beses na ring naisali sa mga listahan ng mga “The most beautiful islands in the world”, o kung hindi man nasa unahan ito ay palagiang nasa Top 10 most beautiful islands in the Philippines. Ito ay isa sa mga paborito ng mga lokal at mga dayuhan bilang destinasyon ng kanilang pahingaan at bakasyonan. Ang mga beaches ng Palawan ay nag aalok ng isang world-class experience. Ang turquoise blue na dagat at mga islang magkakatabi na napapaligiran ng pino at maputing buhangin ang ilan sa mga kadahilanan kung bakit isa ito sa mga best islands to visit in the Philippines in 2021.
Ito ay tinaguriang “the last frontier” dahil sa lokasyon nito sa dulong timog-kanlurang bahagi ng kapuluan ng Pilipinas, na hindi kalayuan sa Borneo. Ang Palawan, ay isa sa mga island in the Philippines na may kamangha-manghang patutunguhan ng turista, may mga magagandang isla, mga limestone cliffs, mga coral reef, malagong mga kagubatan at mga endangered na hayop. Ang Palawan ay isa sa mga island holiday destinations na itinuturing na isang paraiso para sa mga dumadalaw dito. Ang mga kilalang pangunahing mga patunguhan nito ay ang Puerto Princesa, El Nido at Coron.
Napuntahan mo na ba ang mga islang ito? Kung may litrato ka maari mo itong ilagay sa comment part sa ibaba. 😊
Call us now! Para sa mga sigurado at garantisadong cheap flights to Palawan, cheap flights to Cebu at cheap flights to Manila, kontakin ang aming mga travel consultants para sa mga karagdagang impormasyon.