Narito ang mga katangian ng mga best European airlines.
In-flight Meals
Mahalaga na sa bawat biyahe natin ay may laman ang ating tiyan, lalong-lalo na sa panghimpapawid na biyahe. Ang menu, lasa at kalidad ng mga pagkaing ihinahain sa loob ng eroplano o ang mga inflight meals ay isa sa mga sinusuri para mapabilang sa mga best European airlines. Nagiging basehan din ito ng mga pasahero kung magbo-book ba sila ulit ng flight sa airline na ito o titingin sa iba. Kung ikaw ay magbabasa rin sa mga reviews ng iba’t-ibang airlines, marami dito ang tumutukoy sa mga pagkain, kesyo masarap o walang lasa, mainit, sobrang alat at marami pang iba.
In-flight Entertainment
Sa mga malayuhang paglalakbay, malaking bagay ang naitutulong ng in-flight entertainment sa mga pasahero, lalong-lalo na sa mga bata. Sa ngayon halos lahat ng mga eroplano mayroong mga pang-aliw kaya naman kaniya-kaniya silang gimik o nagdaragdag ng mga innovative ways para mas umangat at maging mas kasiya-siya sa mga manlalakbay ang kanilang karanasan sa naturang airline na siya namang inaasahan o kinokonsidera nilang magpaparami ng kanilang mga customer. Ang mga kasali sa best European airlines ay paniguradong may nakakagayak na pang-aliw habang nasa mahabang biyahe, tulad na lamang ng Turkish Airlines, Singapore Airlines, Qatar Airways at Emirates.
Ticket price
Ang mga presyo ang isa sa mga basehan para mapasali sa listahan ng mga best European airlines. Ito ay pinakaaabangan ng mga holiday goers. Ang mga alok na cheap flight offers to Philippines ng mga airlines ay magandang pang-akit sa mga manlalakbay. Marami sa mga customer ang nag-aabang para sa mga murang tiket lalong lalo na sa mga espesyal na okasyon. Ang mga ibat-ibang airlines ay may mga kasangga sa pagbibigay ng ng magandang presyo para sa mga manlalakbay, katulad ng Mabuhay Travel- numero unong travel agency sa UK na nagbibigay ng magandang serbisyo at mga kamangha-manghang mga flight deals at flight offers to Philippines.
Great Customer Service
Pinakamahalga ang magandang serbisyo, mga staff na magagalang, madaling kausap at alam mong madali mo lang malapitan kung magkakaproblema ka sa iyong flight. Kung sakaling magkakaproblema sila sa kanilang mga bagahe ay magiging matulungin ba o hindi ang mga staff ng airlines. Ang mga travellers na nakatanggap ng magandang serbisyo ay ginagarantiyang mag-bo-book muli ng flight sa airline na ito at irerekomenda pa ito sa mga kakilala. Sa kabilang banda ang mga manlalakbay na nakaranas ng hindi magandang serbisyo ay hinding hindi na muling mag-bo-book sa airline na ito at magsusulat pa ng hindi magandang komento.
Ang pagbibigay ng magandang customer service ay ang isang pinagtutuunan ng mga paliparan upang mapabilang sa listahan ng mga best European airlines, ito rin ang basehan ng mga bakasyonista sa kanilang pagpili ng mga airlines sa mga susunod pang paglalakbay.
Safety
Bilang isa sa mga best European airlines, ang kasiguruhan ng mga manlalakbay ang pinaka-importante sa lahat, kaya naman madalas rin na maririnig ang katagang “safety is first”. Emirates ang nanguna sa listahan ng mga safest airline sa buong mundo, at pumapangalawa naman ang Etihad. Ito ay base sa pag-aanalisa ng JACDEC — Center for Aviation Safety Information. Kanilang sinusuri ang mga buong pangyayari sa aksidenteng kinasasangkopan ng airline, ang kabuuang paligid ng airline, ang bilang ng kanilang fleet at iba pa.
Kung sakaling masangkot ang isang airline sa aksidente, nakakaramdam ng takot o pag-aalinlangan ang mga manlalakbay na gamitin ang airline na ito.
Kami sa Mabuhay Travel ay inuuna rin ang kapakanan ng aming mga customer, ang aming mga partner na airline ay may magandang reputasyon at mataas na kalidad ng serbisyo.
Para sa inyong mga pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, kayo ay maaring makipag-ugnayan sa aming koponan. Sila ay handa kayong bigyan ng mga suhestiyon na aangkop para sa inyong mga pangangailangan.