Destination Holidays Philippines

Visiting Manila and Rediscovering Its Beauty

Ang Manila ang sentro ng Pilipinas, ito ang simula ng pangarap, masasabi nating dito umiikot ang henerasyon ngayon. Narito ang mga magaganda at dekalidad na paaralan, ospital, hotel, restaurant, entertainment facility at kung ano-ano pa? Upon visiting Manila sa gitna ng pandemya, marami ang mga bago, ngunit hindi mo masasabing nabawasan na ang “buhay” o pagiging siyudad nito o ang liveliness ng Manila, lalo na sa gabi, buhay na buhay pa rin, maingay at makulay.

Kung sa tingin mo ay magiging masalimuot ang ideyang visiting Manila sa panahon ng “new normal” dahil sa init ng panahon, ang abala sa pagsusuot ng maskara, pag-check ng temperatura, wala iyon sa iniaalok nito sa iyo, ang kagandahan nito at ang excitement na dala nito sa iyo. Sa katunayan nakatulong din ang pandemya para mas lalong makilala ang Manila, lalo na sa mata ng mga lokal na mamamayan ng Pilipinas. Bawat sulok ng Manila ay nagalugad at mas lalong nabigyan ng halaga.

1. Manila Zoo

visiting manila - manila zoo

Ang Manila Zoo ay may lawak na 5.5 hectares at unang-unang nagbukas noong 1959. Tampok nito ang botanical garden at butterfly garden na may viewing lofts, elevated viewing deck, may glass enclosures din para sa mga hayop. Ang mga naunang henerasyon, o sabihin na nating mga tito tita na ngayon, paniguradong alam na alam nila itong Manila zoo, visiting Manila ang isa sa mga excursion o palagiang kasali sa mga fieldtrip noon. Bahagi na ito ng mga mag-aaral noon. Ito ay perpekto para sa mga bata para makakita ng mga hayop na hindi regular na nakikita sa komunidad. Mayroong halos 1000 hayop sa loob ng zoo. Ang Manila Zoo ay mayroong team na binubuo ng  kilalang zoo curator, mga eksperto sa hayop at mga beterinaryo upang matiyak na ang mga hayop sa zoo ay naaalagaan ng mabuti. Ang zoo ay bukas Monday to Sunday 8AM to 8PM kaya anumang oras niyo gustuhing mag-visiting Manila Zoo ay may malaya kayong mga pagpipilian.


2. Ayala Museum

Ito ay matatagpuan sa Greenbelt Mall, Ayala Complex Makati, isa sa mga popular na museum sa bansa. Ito ay may anim na palapag na nagtataglay ng mga ethnographic and archaeological exhibits on Filipino culture, art, and history. Mula nang itatag ito noong 1967, ang museo ay nakatuon sa pagpapakita ng mga koleksyon sa ibang bansa at paglalagay ng kontemporaryong sining ng Pilipinas sa pandaigdigang arena sa isang two-way highway ng mutual cooperation at pakikipagpalitan sa mga lokal at internasyonal na mga associates. Ito ay sumailalim din sa 2 taong renovation at muling binuksan noong Disyembre 4, 2021.

Ang Museum ay may koleksyong:

 

Worth-it na isali sa iyong visiting Manila journey para makita ang napakaraming koleksyon ng ibat-ibang mga exhibit ng bansa.


3. Rizal Park

visiting manila - Rizal park

Ito ang isa sa pinakamalawak na parke sa Pilipinas, ito ay may lawak na 58 hectares (140 acres) at ito ay kalapit ng Intramuros. Ang parke ay itinayo bilang pagpaparangal kay Jose Rizal, ang National hero ng Pilipinas. Ang kanyang monumento ay nagsisilbing simbolikong focal point ng parke. Ang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos ay ginanap dito noong Hulyo 4, 1946. Naging parte na ng bawat political na kasaysayan ang Rizal Park. Parte na rin ito ng mga turistang (lokal man o dayuhan) may visiting Manila itinerary, itoy isang malawak na parke na maari nilang pagpapahingaan, kuha ng litrato, at maari din silang magpicnic dito.

May iba’t-ibang hardin rin na maaring lakarin, Children’s Playground, Chinese Garden, Japanese Garden, Noli me Tangere Garden at ang Orchidarium and Butterfly Pavilion. Nandito rin ang National Planetarium, National Museum of Natural History, National Museum of Natural History,National Museum of Anthropology, National Library of the Philippines, National Museum of Fine Arts, at ang Manila Ocean Park.


4. Intramuros “the walled city

visiting manila - The walled city

When visiting Manila, huwag kalimutang dumaan sa Intamuros, isa sa mga pinakamatandang distrito ng Maynila, na itinayo sa timog na pampang ng Ilog Pasig noong 1571. Ito ay itinayo ng mga Kastila, napapaligiran ng makakapal, matataas na pader, na may ilang higit sa 6 na metro ang taas may sukat na 146 acres (59 hectares). Isa sa mga sulok ng Manila na punong-puno ng kasaysayan, gaya nga ng laging sinasabi ng mga matatanda, kung makakapagsalita lamang ang mga pader na halos 400 taon na, maisasalaysay nito ang mga pinagdaanang giyera, pananakop, himagsik at ang tagumpay ng mga Pilipinong lumaban para sa kasarinlan ng bansa.

On your visiting Manila journey at madadalaw ka sa Intramuros, narito ang mga tourist spots na maari mong makita sa loob lamang nito: Fort Santiago, Manila Cathedral, Casa Manila, Bahay Tsinoy, Light and Sound Museum, Museo de Intramuros, Plaza Moriones, San Diego Gardens, Plaza Roma at iba pa na maari mong i-explore by walking, kalesa o biking.


5. Quiapo

visiting manila - Black Nazarene Quiapo

Tinutukoy bilang “Old Downtown of Manila”, ang Quiapo ay tahanan ng Quiapo Church, kung saan ginaganap ang kapistahan ng Black Nazarene. Ito ay dinadaluhan ng milyon-milyong tao, kapwa mga deboto at mga turista. Ang mga balikbayang may visiting Manila plans ay talagang sinasadyang  bumisita sa Quiapo, unang-una para magdasal, humingi ng kapatawaran at mag-alay ng pasasalamat.

Para sa inyong mga pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, flight to Manila, flights to Cebu, flight to Philippines at sa iba pang bahagi nito, tumawag sa amin at makipag-usap sa aming mga Filipino travel consultant. Kami ay kompleto sa anumang mga sertipikasyon na gumagabay sa air travel, rehistrado sa ABTA, ATOL protected, IATA registered. Huwag kaligtaang ibahagi ang balita sa iyong pamilya at mga kaibigan.



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

best holiday destinations in the Philippines

Best Holiday Destinations in the Philippines 2025

Things to do in Bohol

10 Things to do in Bohol on your Holiday

best places in Cebu for couples

Top Wedding Destination: Best Places in Cebu for Couples

Places to celebrate anniversary in the Philippines

Romantic Getaways: Places to Celebrate Anniversary in the Philippines

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

LEAVE A COMMENT