“ang Pilipinas kong Mahal”
Patuloy ang mundo sa pakikibaka sa pandemyang unti unting nagdudulot ng pagkalugmok sa ekonomiya ng bawat bansa. Ang industriya ng turismo ang isa sa mga unang nakalasap ng pagbagsak. Sunod sunod ang mga travel ban na inilalabas ng bawat bansa. Ang mga turista na nakaplanong mag-travel to Philippines ay hindi nagdalawang isip na i-kansela ang mga bakasyon nila. Ang mga kababayang nakapagbook na ng ticket para mag-travel to Philippines at makapiling ang mga mahal sa buhay ay napilitan ding magkansela dahil sa takot. Ang mga nauusong tanong ngayon ay: Kailan ba ito matatapos? Hala, okay lang ba kayo diyan? Wala bang coronavirus diyan? Sa mga kababayan siguro ay nagsasaliksik na kung okay lang ba ang mag-travel to Philippines? Marami pang mga tanong, at ang pinakasagot diyan, walang nakakaalam! Masasabi ko lang, manalig tayo na matapos na ito. Maging kalmado tayo.
Ang bansa ay mahigpit na ipinapatupad ang batas ng “stay at home”. Ang mga mamamayan naman nito ay masigasig na nakikipagtulungan para maagapan ang paglaganap ng pandemya at ito rin ay para naman sa kanila.
Hindi lang ang bansang Pilipinas ang nakakaranas ng krisis ngayon, kundi bawat sulok ng mundo.
Kapag natapos ang pandemyang ito, hindi ka dapat magdalawang isip na mag-travel to Philippines. Bakit? Sa maraming kadahilanan gaya ng mga sumusunod:
1. Citizens did not change.
Una sa lahat ang mga mamayan ng bansa ay ganoon pa rin, hospitable pa rin sila, ang pagiging masiyahin ay laging nasisilayan sa bawat ngiti nila, ang mga mata nila ay puno ng pag-asa. Ang mga mamayan ng Pilipinas ay kilala sa maraming magagandang katangian at asal.
2. Stunning beaches.
Ang mga beaches sa bansa ay namumukod tangi pa rin, ang mga buhangin nitong kasing pino ng pulbos, o kaya ay mala-kremang kulay na buhangin sa ibang parte ng bansa, ang siyang sasalubong sa iyo. Ang asul na matipunong kulay ng dagat ay kalmadong sumasalpok sa dalampasigan. Ang preskong hangin na dumarampi sa iyong mga pisngi habang ikaw ay nakabakasyon. Hindi pa ba ito sapat para ikaw ay mag-travel to Philippines?
3. The perfect cone.
Dapat kang mag-travel to Philippines para masilayan ang mga katangi-tanging destinasyon dito gaya ng Bulkang Mayon na may perpektong kono. Ito ay matatagpuan sa probinsya ng Albay, Bicol Region. Ito ay isang aktibong bulkan ngunit isa ito sa mga dinarayo ng turista na nagta-travel to Philippines dahil sa angking kagandahan nito.
4. Underground river ng Palawan.
Ito ay matatagpuan sa Saint Paul Mountain Range sa kanlurang baybayin ng isla ng Palawan, mga 80 kilometro hilaga ng sentro ng lungsod ng Puerto Princesa. Ito ay pinamamahalaan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa mula noong 1992. Nakalista ito bilang isang UNESCO World Heritage Site noong 1999, at napabilang na isang New7Wonders of Nature noong 2012. Naging isang Ramsar Wetland Site din noong 2012.
5. Banaue Rice Terraces.
Ang Banaue Rice Terraces (Filipino: Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe) ay inukit ng mga ninunong katutubo sa mga bundok ng Banaue, Ifugao. Noong 1995 ito ay napabilang sa UNESCO World Heritage List, the first-ever property to be included in the cultural landscape category of the World Heritage List. Noong 2001 ito ay tinaguriang Eight Wonder of the World ng UNESCO. Tinantya na ito ay mahigit sa 2000 taong gulang na. Magpahanggang ngayon ay patuloy ang mga lokal na katutubo sa pagtatanim ng palay at mga gulay.
6. Kamangha- manghang simbahan.
Kagaya ng St Agustine Church na kilala bilang “Earthquake Baroque” na simbahan sa Pilipinas, at kilala rin bilang St. Augustine Church. Ito ay pangunahing halimbawa ng arkitektura ng Earthquake Baroque, isang interpretasyon ng Pilipinas ng European Baroque. Noong 1993, ang simbahan ay itinalaga bilang isang UNESCO World Heritage Site bilang isa sa mga pinakamahusay na halimbawa ng mga Baroque Churches of the Philippines. Ang makasaysayang simbahan ay sikat para sa natatanging arkitektura na na-highlight ng mga napakalaking 24 buttresses sa mga gilid at likod ng gusali.
7. Chocolate Hills.
Ang Chocolate Hills (Tsokolateng burol) ay isang geological formation sa lalawigan ng Bohol sa Pilipinas. Mayroong hindi bababa sa 1,260 na mga burol ngunit maaaring mayroong kasing dami ng 1,776 na mga burol na kumakalat sa buong lugar na higit sa 50 square kilometer. Ang mga burol ay kadalasang kulay berde dahil sa mga damo na nagiging brown sa panahon ng dry season,at dun nakuha ang pangalang Chocolate Hills. Ito ay isang tanyag na destinasyon para sa mga turista. Ito ay idineklarang 3rd National Geological Monument at naimungkahing maisama sa UNESCO WORLD HERITAGE list. Ang mga puno ay lumalaki lamang sa ilalim ng mga burol. Malalaki at malalagong mga puno na pumapalibot sa burol na nagreresulta sa kahanga-hangang natural na kagandahan nito.
8. Makulay na piyesta.
Taon taon ilang mga pagdiriwang ang isinasagawa sa bansa. Sa mga pagdiriwang na ito, lumalabas ang makulay na kultura ng bawat sulok ng bansa. Panagbenga, Ati-atihan, Dinagyang, Pahiyas, Anibina, Pintados ang ilan at marami pang iba. Marami ang nagta-travel to Philippines para masaksihan ang makukulay na parada sa mga panahong giganap ang mga ito.
9. Laid back life.
Ayon sa mga dayuhang, ang buhay sa Pilipinas ay mas relax at mas simple. Pinipili din ito ng mga karamihang dayuhan bilang pangalawang tahanan nila. Ang laid back life kung tawagin ay angkop sa kahit na sino man. Lalo na kung ikaw ay malapit sa kalikasan. Ang bansa ay pinangangalagahan ng husto ang likas na kapaligiran nito. Kaya naman maraming mga dayuhan ang nagta-travel to Philippines para maranasan ng husto isang makabuluhang bakasyon at pahinga.
10. Unique Filipino cuisine.
Isang dahilan para mag-travel to Philippines ay para matikaman ang unique na na pagkain dito. Ang malakas na impluwensyang dayuhan mula sa Tsina, Espanya, at Amerika ay nagdala ng halo-halong lutuin ng Pilipinas. Sa kadahilanang ito, ang ilang pagkaing Pilipino ay may kapansin-pansin na pagkakapareho sa pandaigdigang lutuin – ang mga pamamaraan at lasa ay magkakaugnay upang lumikha ng mga natatanging likha na natatanging Pilipino.
More fun in the Philippines! Tumawag na sa Mabuhay Travel para sa inyong mga cheap flight fares. Makipag usap sa aming mga friendly and helpful travel agents para sa karagdagang impormasyon.