1.Visa
Visa ang pinaka unang- unang requirement in visiting London. Mahigpit ang patakaran nila pagdating dito at kaylangan makuha ang visa in advance. Here’s a quick guide;
Step 1: Puntahan ang kanilang website – Click Here, piliin kung anong visa ang kailangan mo (tourism, work, medical, etc) at ang nationality mo at sagutin ang mga tanong.
Step 2: Ihanda lahat ng mga dokumentong kailangan mo (Click Here)
Step 3: Mag-apply para sa Visa. Visa fee para sa Standard tourist visa ay £95 (nasa PHP 6,000 depende sa palitan). Isa lang ang accredited na ahensya na nagproseso ng UK visa sa Pilipinas at iyon ang VFS Global ( Branch: Manila at Cebu), dahil sa pandemya mayroon na rin silang On Demand Mobile Visa para hindi ka na lumabas ng bahay mo.
Step 4: Attend an appointment. Dumating ng mas maaga (mga 15 minutes). Dito kukunin ang biometric information (finger print at litrato mo) at dapat dala lahat ng mga papeles o dokumento.
Step 5: Maghintay sa desisyon kung approve o hindi ang application mo.
2. Filipino Community
In visiting London, excited rin tayong maka-meet ng iba pang mga Pilipino at matatagpuan mo sila sa Earl’s Court. Ayon sa statistics halos umabot na sa 200, 000 ang mga Pilipinong nakatira doon. Kaya sa kapag may London travel ka at nais mong makasalamuha ang ibang mga kababayan alam mo kung saan ka pupunta. Maari ka rin nilang bigyan ng mga tips for London travel.
3. Accomodation (Saan maaring tumuloy)
Kung ikaw ay maghahanap ng matutuluyan laging makakabuti ang magbook online, magkompara sa mga presyo sa ibat-ibang site. Maari mong ikonsidera ang lugar Earl’ls Court sa lokasyon, ito ay isang ligtas na lugar upang manatili, at malapit ka sa Earl’s Court Underground kaya’t madaling maglibot. Ang Earl’s Court ay isang traveller friendly, marami ring ng mga groceries, restawran, pub, botika, tube station (underground train station), ATM, atbp. Nandiyan din ang Covent Garden, ito ang most visited place na bahagi ng London at nasa gitna ng Theatreland. Dito matatagpuan ang mga the best musical shows na isang pangunahing atraksyon ng lugar. Mayroong maraming mga restaurant bar, cafe at pub at kalapit sa mga maraming pangunahing atraksyon na walking distance lang. Marami ding mga Hostels ang pagpipilian mo na nasa pagitan ng PHP 2,500-5,000.
Ilan sa mga mairerekomenda ang The Crown, Battersea, SoHostel, Point A Hotel London – Kensington Olympia, Lord Jim Hotel – Kensington, The Feilding Hotel, The Z Hotel Holborn at marami kang choices gamit ang online. In visiting London mainam na maghanap sa mga online sites dahil marami rin sa mga luxury hotel ang biglang nagbabagsak ng presyo at kung maswerte ka makukuha mo agad ito.
4. Best month para bumisita
Ang London travel experience ay isa sa mga pinakahihintay mong paglalakbay, at para mas ma-enjoy mo ang pamamasyal dapat mong ikonsidera ang panahon, kung mas gusto mo ba ang summer o hindi. Summer season ang buwan ng Junyo-Agosto, sa mga buwang ito maganda ang panahon, hindi rin masyadong malamig mararanasan mo din na kahit 9:30pm na ay maliwanag pa. Mas mahaba ang daytime tuwing summer. At bilang ito ay isang magandang panahon, maraming turista, ang mga hotel ay fully booked, bukas lahat ng atraksyon. Karamihan ay nasa labas ang ini-enjoy ang ganda ng panahon. Ang temperature sa panahong ito ay nasa average na 18°C- 30°C. Isang perpektong akitibidad ang pagdalo sa London’s summer music festivals. Setyembre-Nobyembre ang Autumn, ang isa sa pinakamaganda at romantic na panahon para sa visiting in London experience mo, ang panahon ay banayad, 11°C- 15°C. Marami ang nagsasabi na “London is at its best in autumn”. Ang kulay ng mga dahon ay nagbibigay ng magaang pakiramdam, masarap panoorin, maari kang umupo sa mga parke at kumuha ng autumn picture mo. Disyembre-Pebrero ang Winter, ang temperature ay 2°C- 6°C, napakalamig sa mga buwang ito ngunit maari ka pa ring mag-enjoy, siguraduhin lamang na ikaw ay may sapat na kasuotan para mapanatiling maligamgam ang pakiramdam. Ang Christmas spirit ang ay damang-dama na rin, lights, dekorasyon at maraming Christmas activities. Tiyaking suriin mo nang maaga ang pampublikong transportasyon mula Bisperas ng Pasko hanggang sa Araw ng Bagong Taon dahil panigurado siksikan ang mga istasyon. Spring naman ang buwan ng Marso- Mayo, ang panahong ito may banayad din na temperature, hindi na masyadong malamig, mas maiinit ang temperatura, at ang lungsod ay nagiging makulay dahil sa pamumukad-kad ng mga bulaklak. Huwag kalimutang ihanda ang paying dahil madalas din ang spring rainfall.
5. Get an Oyster Card
Ito ay isang travel smartcard, ang pinakamadaling paraan upang maglakbay gamit ang pampublikong transport sa lungsod. Maaari kang bumili ng Visitor Oyster card online bago ka makarating sa London, o mga card ng Oyster sa TfL Visitor Center, mga istasyon at mga tindahan ng tiket sa Oyster. Ito ay nagkakahalaga ng £5 o 319 pesos. Kailangan ba talaga? Oo, mas makakamura ka, less hassle sa biyahe, tanggap ng kahit anong public transpo gaya ng Tube, buses, Tram, DLR, London Overground at karamihan ng National Rail services. At since may Oyster card kana isama na sa iyong London travel adventure ang pagsakay sa mga double-decker bus, at sigurado sa taas ka talaga pupuwesto.
6. Musical Shows
Ang West End ng London ay kilalang kilala sa mga musikal. Mula sa The Phantom of Opera, Les Miserables at ang huling hit ng Broadway, tiyak na ang London ay isang lugar upang masiyahan sa isang kapanapanabik na produksiyong musikal. Sa napakaraming alok mula sa mga jukebox show na puno ng mga hit songs mula sa iyong mga paboritong artista hanggang sa mga musikal batay sa mga pelikula at libro, ang West End ay nagbibigay sa mga madla ng ilan sa pinakamahusay na uri ng entertainment.
7. Shopping
Kasama sa London travel adventure ang shopping syempre, at ikaw ay magsasawa sa kahabaan ng Oxford Street – isa sa pinakatanyag na kalye sa pamimili sa London – na tahanan ng higit sa 300 mga tindahan, mga designer – outlets, at mga landmark stores. Ang Regent Street ay isa ding tanyag na patutunguhan sa pamimili sa London, na may mga high-end na department store at mga natatanging mga boutique. Marami ang London bilang isa sa mga world’s top fashion cities pero kaunti lang ang nakakaalam na marami ding mga branded ang mura sa London. Dito rin maari kang mag-claim ng VAT refund, hingi ka ng VAT 407 form sa retailer shop at as a proof na hindi ka from EU ipakita lang ang passport mo.
8. Anong dapat iwasan habang nasa London
- Itinuturing na rude ang pag-gaya sa tono/accent nila
- Huwag pag-usapan ang Relihiyon at politica
- Huwag insultohin ang Royal family
- Huwag magtanong ng personal na mga impormasyon.
- Huwag pag-usapan ang pera.
- Huwag tumayo ng masyadong malapit sa ibang tao o ilagay ang iyong braso sa balikat ng isang tao.
- Ang pagtitig ay itinuturing na bastos.
9. May free ba sa London
OO! Ang katotohanang visiting London ay mahal ay totoo, pero marami din namang silang mga top attractions na libre, walang entrance fees. Ilan sa mga ito ay ang Sky Garden, Kensington Gardens, National Gallery, British Museum, Science Museum, Wallace Collection, ito ay ilan lang sa marami pang ibang libreng mga parke at museo na maari mong makita.
10. Take selfie with Big Ben
Palalampasin mo pa ba ito, syempre hindi! Mga UK residents lang ang maaring makapasok sa Big Ben at akyatin ang 334 steps nito, pero maari ka pa rin namang makapag-picture kasama ang iconic Big Ben para masatisfy ang London travel mo. Maari kang pumuwesto sa sidewalk ng Westminster Bridge, ito ang best spot pero timing lang kasi puno ito ng turista. Maari din sa London Eye at Parliament square.
Visiting London experience ay hindi kailangang maging sobrang mahal, maari ka pa ding mag-enjoy sa iyong paglalakbay sa budget na kaya mo.
Call Us now para sa mga travel needs mo. Huwag palampasin ang mga special flight offers namin bago pa ito mawala.