Katulad ng mga delicacies natin, ang mga sopas natin ay may natatanging lasa din, syempre dahilan dito ang fusion ng iba’t-ibang kulturang dumaan sa atin. Tatlo sa mga best Filipino soups natin ay naisali rin sa listahan ng mga Best Soups in the World. Mababasa ang mga ito sa ibaba.
1. Tinola
Isang malinam-nam na sabaw ang Tinola. Marami itong bersyon, Tinolang Hipon, Tinolang Baboy, Tinolang Isda at Tinolang Manok. Isa rin ito sa mga best Filipino soups, napakahealthy at malinamnam. Bagaman ito ay kadalasang ipanapartner sa kanin, masarap ding umpisa ng araw ang paghigup ng sabaw nito. Ito ay madalas ding ihinahain para sa mga maysakit, ang pinagsama-samang karne ng manok, luya, bawang at gulay (maaaring sayote o murang papaya, at paparesan ng dahon ng malunggay o dahoon ng sili) ay may sapat na sustansya para makapagbigay lakas sa nanghihina mong immune system. Ang kombinasyon ng karne o isda at mga gulay ay nagbibigay ng lasang iyong babalik-balikan.
Ang Tinolang Manok ay kasali sa mga listahan ng mga Best Soups in the World ayon sa Tasteatlas at may star rating pa ito na 4.5.
2. Sinigang
Ito ay isang maasim na sabaw. Kagaya ng naunang sabaw mayroon din itong bersyon, Sinigang na Baboy, Sinigang na Bangus, Sinigang na Baka, at Sinigang na Hipon. Ito ay karaniwang pinapakuluan gamit ang (baboy, bangus, baka, manok, hipon, miso) kasama ang prutas ng sampalok, kamatis, bawang at sibuyas. Ilang mga gulay rin ang inilalagay tulad ng okra, Other vegetables commonly used in the making of sinigang include okra, gabi (in English taro corms), labanos, kangkong (water spinach), at sitaw (longbeans). Maaring gumamit ng pampaasim na kamyas, sampalok, mangga, bayabas at santol (sa English: wild mangosteen, cottonfruit or sandor)
Isa sa mga bersyon nito ay nasa listahan din ng Best Soups in the world, ang Sinigang na Baboy, na may star rating na 4.6. Nakaraang taon ay itinanghal ng Tasteatlas ang Sinigang bilang numero uno sa Best Soups in the World.
3. Bulalo
Isa sa mga best Filipino soups ay mula sa karne ng baka. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagluluto ng beef shanks at bone marrow hanggang sa matunaw ang collagen at taba nito sa sabaw. Ang mga gulay nito pechay, mais, sibuyas, bawang at luya.
Ang Bulalo ay isa sa mga soups din na paborito ng mga nasa malamig na lugar, tulad ng Tagaytay. Karamihan ng napunta sa Tagaytay ay may order na bulalo.
Isa rin isa sa mga nakalista bilang Best soups in the World at may star rating na 4.5.
4. Pinikpikan
Isa sa mga best Filipino soups at siyang pinakakontrobersyal din. Ang sabaw nito ay gawa sa karne ng manok at etag (ito ay isang malaking hiwa ng baboy na nababad sa asin sa loob ng halos isang linggo (o mas matagal pa) pagkatapos ay pinatuyo sa hangin sa ilalim ng araw o pinausukan ng ilang linggo o mas matagal pa). Ito ay karaniwan mong makikita na ihinahain mga restawran o kainan sa Baguio at iba pang parte ng Cordillera.
Kontrobersyal sapagkat bago katayin ang manok ay dahan-dahang hinahataw ng stick ang leeg ng manok, ito ay upang mamoo ang dugo ng manok bago katayin. Ang preparasyong ito ay bawal o isang paglabag sa batas Philippine Animal Welfare Act of 1998. Ito ay ginawa ngayon sa bagong modernong pamamaraan.
5. Batchoy
Ang nakabubusog na Batchoy ay isa sa mga best Filipino soups ay authentic food ng mga taga Iloilo particular sa La Paz, kaya ang karaniwang tawag dito ay “La Paz Batchoy”. Ito ay binubuo ng offal ng baboy, stock (bone broth) ng manok o baka, at egg noodles o miki. Ito masaganang tinimplahan ng shrimp paste at (paminsan-minsan) toyo, ang sopas ay karaniwang nilagyan ng mga crushed pork cracklings, pritong bawang, at hilaw na itlog na ginagawang topping ng sabaw.
Kung tag-lamig ang hanap mo ay soup, tikman lahat ang mga nakalistang best Filipino soups sa iyong bakasyon, sa iyong pagbabalik sa iyong foreign land ay baunin mo ang mga malilinam-nam nitong lasa.
Para sa inyong mga air travel needs, makipag-ugnayan sa aming mga Filipino Travel experts.