El Nido
Ay isang napakandang baybayin na matatagpuan sa Isla ng Palawan. Ito ay kilala sa may mga mapuputing buhangin at mala kristal na tubig. Magandang bakasyonan lalo na sa mga mahilig na mag adbentura dahil sa taglay nitong kaakit-akit na mga tanawin. Maraming mga dive site, swimming pool, boating, kayak at iba pang mga maaaring gawin.
Lakawon
Ay matatagpuan sa Cadiz sa may Hilaga ng Lungsod ng Negros Occidental. Ito ay isang hugis saging na baybaying dagat at may mga mapuputing buhangin, wala itong masyadong mga aktibidadis kagaya lamang ng swimming, boating, snorkelling and jet skiing. Mayroon din itong floating bar na kung saan magandang pagpahingaan.
Boracay
Ito ay maliit na Isla na matatagpuan sa Hilagang-Kanluran sa dulo ng Isla ng Panay. Ito ay isang sikat at pangunahing destinasyon ng mga turista lokal man o dayuhan dahil sa akin nitong kagandahan.
Guimaras
Ang guimaras ay isang isla na matagpuan sa gitna ng Isla ng Panay at Negros Occidental. Ito ay may mga mapuputing buhangin at waterfalls, spring at offshore islets. Tahimik ang Isla na ito kaya magandang pagpahingaan, dito ay nakatayo ang ‘’Roca Encantada’’kung saan pwedeng libutin ang buong bahay na bato, gamit ng pagsakay sa bangka.