Travel Tips

Tips on Air Travel

Ang air travel ay isa sa mga paglalakbay kung saan ang sinumang manlalakbay ay mas nagiging handa o mas organisado. Hindi ito ordinaryong paglalakbay, masasabi nating espesyal na paglalakbay ang air travelling.

Kung plano mong lumipad ngayon o sa mga susunod na araw narito ang mga tips on air travel para sa mas maganda at matiwasay na paglalakbay.

  1. Regulasyon

    Pinaka-importante sa lahat ng mga tips on air travel ang pag-alam sa mga regulasyon ng bansang pupuntuhan o ng airline na iyong gagamitin. Magbasa bago pa man ang iyong flight.

  2. Dokomento

    Ang iyong paglalakbay ay sa himpapawid, hindi ka maaring huminto sa gitna ng biyahe para sabihing “bababa ako, nakalimutan ko yong…” NO! hindi mo magagawa iyon. I-check lahat ang iyong mga dokumento para hindi ka magkaproblema.

  3. Maging organisado

    Importanteng sa iyong biyahe ay organisado ka, kasi hindi mo maaring ilagay lahat sa iyong bagahe lahat ng gusto mo (not unless willing kang magbayad ng extra). I-empake lamang ang mga importante. Para sa mga papeles ay maganda kung nasa hand-carry mo ito at nakasilid sa isang envelope.

  4. Kasuotan

    Anuman ang iyong kasuotan, siguraduhing ikaw ay komportable lalo na kung ito ay may mahabang oras ng paglalakbay. Magdala ng sapat na pampa-init sapagkat talagang malamig sa loob ng eroplano.

  5. Covid kit

    Noon ang Covid kit ay hindi mo makikita sa mga tips on air travel, sa ngayon, lahat ng artikulong nagbibigay ng mga tips on air travel, lagi na itong binabanggit. Ito ay kasama sa mga essentials mo saan ka man magpunta.

  6. Mga gamot

    Kung ikaw ay may regular na gamot, makabubuting ikaw ay magdala nito, maaring sa iyong lugar na pupuntahan ay walang ganoong gamot, siguraduhin ding may reseta o liham mula sa iyong doctor para dalhin ang mga naturang gamot.

  7. Mga pamparelax

    Mga pamparelax? Anong kinalaman nito sa tips on air travel di’ba? Well ang mga international travel minsan napakahabang oras niyan at kakailanganin mo ng ilan para malibang ka, musika, libro kahit ano basta hindi bawal sa eroplano. Meron ding mga naglalakbay na biglaang nagkakaroon ng nerbyos, makakatulong ang pakikinig sa musika para maibaling ang atensyon mo.

  8. Makinig

    Makinig sa ano? Pansin ko minsan sa aking mga biyahe na marami ang hindi marunong makinig kapag may mga demonstrasyon o panawagan ang flight attendant, kahit sa anong bagay ay importante ang pakikinig kaya kahit sa tips on air travel ay isinali ko ito. Hindi mo alam kung ano ang maaring mangyari habang nasa himpapawid kaya kinakailangang makinig sa bawat instruksiyon.

  9. Liquid

    Ang iyong lagayan ng liquid items ay hanggang 100 ml lamang, kahit kalahati lang ang laman ng iyong container kung ito ay kayang maglaman ng 200 ml o higit pa, ito ay hindi pinapayagan at maaring ipaiwan sa iyo.

  10. Never accept

    Ito ang paulit-ulit na paalala sa mga tips on air travel, huwag na huwag tatanggap ng anumang iaabot sa iyo ng sinumang hindi mo kakilala (minsan kahit kakilala mo, may pag-iingat pa rin dapat). Marami ang nahuhuli at nakukulong dahil sa simpleng “ipinahawak” “ipinadala” “inabot” “ipinabibigay” na mga bagay mula sa mga estranghero.

  11. Mga Bawal

    Makabubuting alamin lahat ng bawal sa eroplano bago pa man ang iyong biyahe, at kahit mga bawal na rin sa iyong destinasyong iyong pupuntahan para mas makapaghanda o makahanap ng alternatibo para sa mga ito.

  12. Tamang bag

    Sa lahat ng mga tips on air travel, ito ang minsan nababalewala kasi mahal ang mga de-kalidad na bag (which is true) pero marami namang mga bag talaga o maleta na hindi mahal at maganda ang kalidad, maaring hindi ito trendy pero importanteng pagtuunan ang kalidad nito sapagkat hindi mo alam kung yung bagahe mo ibabato na lang sa sulok o kaya ay kung hindi sinasadyang nahulog ito, hindi mo nanaising maikalat ang iyong mga gamit.

Para sa inyong mga pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, flight to Manila, flight to Philippines at sa iba pang bahagi nito, tumawag sa amin at makipag-usap sa aming mga travel consultant. Kami ay kompleto sa anumang mga sertipikasyon na gumagabay sa air travel, rehistrado sa ABTA, ATOL protected, IATA registered. Huwag kaligtaang ibahagi ang balita sa iyong pamilya at mga kaibigan.



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

best holiday destinations in the Philippines

Best Holiday Destinations in the Philippines 2025

Things to do in Bohol

10 Things to do in Bohol on your Holiday

Souvenirs for Filipinos

Souvenirs for Filipinos: Pasalubong from the UK

Best beaches in the Philippines

Best Beaches in the Philippines 2024

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

LEAVE A COMMENT