Travel News Philippines Travel Tips

Who needs an e-travel pass?

Mandatory!
1. Ano ang e-Travel?

Ang e-Travel ay isang online platform na inilunsad noong Ika-5 Disyembre 2022 upang palitan ang iba pang mga arrival card at One Health Pass. Ito ay nagsisilbing Health Declaration at Contact Tracing platform ng Pilipinas mula sa bansang pagmumulan ng sinumang papasok sa Pilipinas. Lahat ng Foreign/Filipino Travelers (kabilang ang sanggol at mga bata) ay dapat magparehistro ng indibidwal sa e-Travel bago sila lumipad sa Pilipinas. Ang mga manlalakbay na papasok sa bansa ay kinakailangang magparehistro sa e-Travel platform nang hindi hihigit sa 72 oras bago ang pag-alis patungong Pilipinas. Ang mga manlalakbay ay kinakailangang magbigay ng sumusunod na impormasyon kapag nagrerehistro:

  • Biographical information
  • Travel details
  • Health declarations, kabilang ang mga impormasyon sa vaccination history.

Pagkatapos mong maibigay ang mga hinihinging impormasyon ikaw ay maaring makakatanggap ng berdeng QR code na magagamit para sa express entry sa bansa. Kung ito ay pulang QR code, ikaw ay kinakailangang sumailalim sa isang interview at maaaring kakailanganin mong sumailalim sa quarantine.

2. Registering on e-Travel?

Ito ay libre, simple at napakabilis, gamit lamang ang iyong smartphone ay maari ka ng magrehistro basta may internet connection ka. Hindi mo rin kakailanganing mag-download ng “app” sa iyong cellphone para makaregister, kahit sa browser lamang ay makakarehistro ka.

Register here: https://etravel.gov.ph/

3. Ano ang kailangan kong gawin pagkatapos kong magparehistro?

Kailangang i-screenshot o i-download ang iyong personal na QR Code. Kakailanganin mong ipakita ang QR code na ito sa isang airline reresentative bago ka payagang sumakay sa iyong flight. Pagdating sa Pilipinas, kailangan mong ipakita ang QR code na ito sa mga opisyal ng BOQ Quarantine para sa verification.

4. Kung sakaling nagkamali ka sa iyong mga detalye!

Hangga’t hindi pa na-i-proseso, na-verify, at na-tag bilang “arrived” ng mga awtoridad sa BOQ sa e-Travel maaari mo pa ring baguhin ang ilan sa iyong impormasyon sa e-Travel sa pamamagitan ng pag-click sa tab na “Open My Profile” sa website ng e-Travel.

5. Maari ko bang gamitin ang parehas na QR Code sa susunod kong paglalakbay?

Hindi. Kailangan mong magrehistro ng bago sa iyong sususnod na pagbabalik dahil ang iyong lumang code at detalye ay mabubura na sa Sistema.

6. Ikaw ay maaring ma-quarantine kung ikaw ay isa sa mga sumusunod:

1. If you are not fully vaccinated against COVID-19
2. If you are fully vaccinated but your last dose was administered less than 14 days from date of your travel to the Philippines
3. If you are partially vaccinated against COVID-19
4. If you have signs or symptoms of COVID-19
5. If you are a minor but your accompanying parents or guardian is either of the above;

Taon-taon ay humahakot ng turista o kaya ay mga balikbayan ang Pilipinas. Bilang bahagi ng pagpapaigting ng bansa sa pag-iingat sa Covid-19, ang e-Travel ay inilunsad. Ito ay isang malaking tulong sa lahat ng mga nagnanais na pumasok sa bansa dahil ito ay mas simple kaysa mga naunang pass.

Kung ikaw ay may mga pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, maaring makipag-ugnayan sa aming mga Filipino Travel consultant. Sila ay magbibigay ng kompletong paliwanag sa iyong mga katanungan.



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

best holiday destinations in the Philippines

Best Holiday Destinations in the Philippines 2025

Things to do in Bohol

10 Things to do in Bohol on your Holiday

Souvenirs for Filipinos

Souvenirs for Filipinos: Pasalubong from the UK

Best beaches in the Philippines

Best Beaches in the Philippines 2024

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

LEAVE A COMMENT