Ang mga kapistahang Pilipino ay malaking pagdiriwang ng Kultura na umaakit ng mga local at dayuhang turista dahil sa makulay at maligaya na kalikasan.
Narito ang listahan ng mga Festival sa Pilipinas at iyong gabay kung saan pumunta at gagawin.
Traslacion of The Black Nazazrene (January 19)
Tuwing Ika-9 ng Erneo, Ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quipo, Maynila.
Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztee na karpintero at binili ng
isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.
Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Ang mga ruto ng parade ay nagbago sa paglipas ng mga taon dahil sa mga aksidente at mga kakulangan sa Istruktura sa mga tulay na bahagi ng tradisyunal na ruta.
- Ang itim na Nazareno unang dumating sa Pilipinas noon 1606 mula sa Mexico, ipinasok sa Quiapo Church ang estatuwa noong 1787.
- Ang Rebulto ay sakay sa karwahe, tinatawag na “andas” at may dalawang lubid na hinihila ng mga deboto.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng eroplano: Nais na sumali sa pagdiriwang ng Pista ng Black Nazarene at ikaw nasa ibang Bansa. Tawag lang po sa Mabuhay Travel ang aming Pilipino call agent ay tutulong sa inyo.
- Sa pamamagitang ng barko/ Ferry: Visayas at Mindanao, maaaring nag pa book ng ticket papuntang Maynila, ito ay mas mura at makakapanili
- Sa pamamagitang ng Land Trasportation: Para lang ito sa mga taga Maynila, mas maaga dapat umalis, dahil pag may mga okasyon karaniwang na ang Traffic sa Siyudad.
Ati-Atihan Festival (January 14-20)
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatatlong linggo ng Enero kada buwan taon ang pista ng Ati-atihan sa kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Nino. Nagpapahid ng uling sa mukha ay katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala Bira”. Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Pagdiriwang ng Santo Nino ngayon, ang Ati-atihan Festival ay dating Pagan Festival ibig sabihin ay kapistahan ng mga Anitos.
- Tampok ang walang katapusan pagsasayaw sa kalye.
- Ang Ati-atihan ay sinasabing “tulad ng Atis”. Ang atis ang mga orihinal na naninirahan sa Panay, kung saan matagtagpuan ang lalawigan ng Aklan.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng eroplano: Tawag lang po sa Mabuhay Travel ang aming Pilipino call agent ay tutulong sa inyo kung ikaw nasa ibang Bansa.
- Sa pamamagitang ng barko / Lantsa: maaring mag check online para sa pagpa booking ng ticket sa pagsakay ng barko.
- Sa pamamagitang ng Land Transportation: Mag- book ng flight patungo sa caticlan. Ang biyahe mula sa Caticlan hanggang Kalibo ay mahigit isang oras.
Sinulog Festival (January 1 – February 2)
Alay ito sa Santo Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradsiyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festval.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Ang makukulay na costumes, engrandeng parade at ang paligsahan ng kagandahan.
- Ang sayaw sa Sibulog ay dalawang hakbng pasulung at isang paatras sa saliw ng nakakaindak na musika.
- Ang imahe ng Santo ay isang Baptismal gift ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan nang dumaong siya sa Cebu City noong 1521.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng eroplano: Cebu City ay kilala bilang pinaka accessible na Lungsod sa Bansa.
- Sa pamamagitang ng Barko: Galing Maynila/Davao maaari mong bilhin ang iyong ticket sa mga Shipping company ticket outlet, ito’y panakamura.
- Sa pamamagitang ng Land Transportation: Maraming, pagpipilian, jeep, taxi, bus at tricycle upang makapalibot sa siyudad.
Dinagyang Festival (January 25-27)
Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa Lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa cebu at Ati-atihan sa Aklan. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Nino at para na rin sa pagdating ng mga Malay sa Panay ng nagdala ng Ita sa lugar, Simula ng ito ay gawin taunang selebrasyon, marami ang nakaapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival od Excellent Folk Choreography.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Nagsimula ang selebrasyon ng Dinagyang noong 1968 nang dinala ng Confradia del Santo Nino de Cebu ang imahe ng Santo Nino na pinangungunahan ni Padre Sulpicio Endere.
- Ang Dinagyang Festival ay may opisyal na mascot na pinangalanaang Dagoy.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng eroplano: Magpa-book ng direktang flight galing Maynila – Iloilo. Kung ikaw nasa ibang Bansa, tawag lang po sa Mabuhay Travel.
- Sa pamamagitan ng bangka/ferry: Manila – Iloilo maaring sumakay ng Barko, bumili ng iyong ticket sa mga shipping lines ticket outlet.
- Sa pamamagitang ng Land Transportation: Metro Manila bus terminal may ruta papuntang Iloilo sa Cubao /Pasay.
Panagbenga Festival (February 1 – March 10)
Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahansa Lungsod Baguio na idinaraos sa buwang ng Pebrero.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Sinumulang ipagdiriwang sa Baguio City ang “Panagbenga Festival” noong 1996.
- Ang salitang Panagbenga ay may kahulugang, “panahon ng pagyabang, panahon ng pamumulaklak”.
- Ang Pangbenga 2017 parade ay dinaragsa ng maraming tao na umabot ng 2 milyong tao sa Baguio.
Papunta doon:
- Sa pamamagitan ng Land Trasportasyon: Sa Maynila ay may Bus terminal, na bukas ng 24 oras at naglalakbay sa Baguio City.
Bamboo Organ Festival (February 21- 27)
Las Pinas Bambo Organ, kilala bilang isa sa nangungunang atraksyon sa Lungsod ng Las Pinas. Ang Bamboo Organ Festival ay may malaking bilang ng mga musikero mula sa Pilipinas at sa buong mundo ang dumating to perform sa kahanga-hangang instrumento.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Ang natatanging instrumentong binubuo ng 1,301 na tubo yari sa kawayan ang 902 nito, habang ang iba’y yari sa bakal
- Inabot ng walong taon si Padre Diego Ciera bago niya nabuo ang bamboo Organ.
- Ipinahayag ang Bamboo Organ Bilang National Cultural Treasure noong 2003.
Papunta doon:
- Sa pamamagitan ng Land Trasportasyon: Ang Parish Church of St. Joseph ay madaling mapuntahan, sa pamamagitan ng isang jeepney at taxi.
Mariones Festival (March 25-31)
Ang Moriones Festival ay ang pagsusuot ng mga maskara at pagkopya ng mga suot ng mga sundalo sa bibliya. Inaarte rin nila ang pagpako sa krus ni Kristo bago ang Araw ng pagkabuhay.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Ang Via Crucis o re-enactment ng passion of Christ ay nagaganap din sa pagdidiriwng na ito sa Pilipinas.
- Ang Morion ay nangangahulugang “Maskara” na bahagi ng medyebal na helmet ng senturion ng Roma.
- Ang pag re-enactment ay naging kasukdulan ng mahuli si Longinus at pinugutang ng ulo.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng Barko/Ferry: May ruta ng ferry galing Manila papunta Balacanan Port Marindeque o Dahilican Port.
- Sa pamamagitang ng Land Trasportasyon: Araw-araw may bus galing Maynila papuntang Marindeque, ito ay mas mura.
Bangus Festival (April 3 – 14)
Bangus Festival ang isa sa mga pinakaaabangang Festival sa Norte at itinuturing an pinakamalaki at pinakamakulay na selebrasyon na nagtatampok sa kultura at pangunahing produkto ng Dagupan City.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Nanalo ang Lungsod ng pagkilala sa Guiness Book of World Records para sa pag-organisa ng pinakamahabang Bangus barbecue noong 2003
- Ang Bangusine “Bangus International Cuisine Showcase” na nilalaukan ng ilang Dayuhan.
- Pambansang Sagisag ng Pilipinas ang mga Bangus.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng Land trasportasyon: Manila Bus terminal sa Pasay o Cubao ay may rutang Manila-Dagupang City, apat hanggang limang oras nag paglalakbay.
Pahiyas Festival (May 15)
Isang tradiyon din ito, Pinararangalan dito ang Santo ng mga magsasaka na si San Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang bahay.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Isang bahagi ng pagdiriwang ang pagbasbas ng mga Kalabaw,
- Ayon sa kanilang tradisyon, pag mas makulay ang iyong tahanan sa pagdaan ng prusisyon ay mas magiging masagana ang iyong buhay ngayong taon.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng Land Trasportasyon: Bus terminal Cubao o Buendia ay may rutang Lucban.
Pintandos-Kasadyaan Festival (June 29)
Naging makulay at masaya ang taunang pagdiriwang nga Pintados-Kasadyaan Festival sa Tacloban City kung saan bida ang Kulturang Pinoy.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Ang “kasadyaan” sa wikang Bisaya ay nangangahulugang pagsasaya at kagalakan.
- Ang parade ay nagsisimula sa Balayo Towers at nagpapatuloy sa buong Tacloban Leyte City.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng eroplano: Araw-araw ay may lilipad papunta sa Tacloban.
- Sa pamamagitang ng dagat: Tumatagal ng 36 oras ang paglalakbay sa dagat papuntang Tacboban City.
T’nalak Festival (July 11 – 17)
Handang-handa na ang buong lalawigan ng South Cotabao sa pagdiriwang ng T’nalak Festival at Foudation Anniversary ng Lungsod.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Tri-people grand parade na tinampukan ng Street dancing at show down competition, sa ilalim ng nga kategoryang Madal Be’ Lan nagpapakita ng kulturang T’Boli.
- Regional Industrial at Trade Expo, Trade Fair at Exhibit.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng eroplano: Galing Maynila – General Santos City or Davao City, sa dalawang Lungsod ay maaari ka ng mag bus papuntang South Cotabato.
Kadawayan Festival (August 13- 19)
Ang kasaysayan ng pagdiriwang ay pagtitipon at pagsasagawa ng seremonyas at ritwal ng pasasalamat sa kanilang mga Bathala lalo na sa kay “Manama” na siyang pinakamataas na Bathala sa lahat.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Davao river festival mga Tribo makikilahok sa fluvial parade, makukulay ng floats parade.
- Sayaw Mindanaw paligsahan ng mga katutulong sayaw.
- Hiyas ng Kadayawan paligsahan ng mga kinatatawan ng kanilang tribo, natatangin katutubong babae lamang.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng eroplano: Araw- araw ay may Flight galing Maynila papuntang Davao City.
- Sa pamamagitang ng Dagat: Sa barko ay tatlong araw ang pagalalakbay sa dagat, marating ang Davao City.
Tuna Festival (September 3)
Bilang pagbibigay pugay sa kahalagahan ng Industriya ng Tuna sa Genral Santos, ay ipinagdiriwang ang Tuna Festival tuwing buwang ng Septembre. Sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain t aktibidades.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Parada sa Dagat o parade sa pagsasayaw sa kalsada, Float parades at Tuna Revolution
- Ang Tuna congress, Tuna fiesta Carnival, Tuna Culinary competition at Miss Gensan pageant ay ilan sa mga aktibidad na gaganapin sa panahon ng pagdidiriwang.
- GenSan the Capital of Tuna in The Philippines.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng eroplano: Araw-araw ay flight galing Davao City at maaari rin maglakbay sa pamamagitan ng bus galing Davao City.
Masskara Festival (October 1 – 28)
Ang Masskara Festival ay siyang pinakamalaking taunang kasiyahan sa Bacolod City kung saan ito ay sumasalamin sa mga Bacolenos bilang masayahin, magalakin at palaging nakangiti.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Nagkakaroon ng kumpetisyon sa pag sayaw sa kalye O Street dancing kung saan ang mga tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ay nasa kalye ng syudad at nakikisaliw sa ritmo ng musika.
- Ang okasyong ito ay nagtatampok ng mga Kumpetisyon sa palaro, kultural na mga programa, karnabal, paligsahan sa kagandahan at katalinuhan ng mga Bacolenong dilag.
Papunta doon:
- Sa pamamagitan ng eroplano: mahigit isang oras ang paglalakbay galing Maynila.
- Sa pamamagitan ng Barko/Ferry: Manila-Bacolod Ferry.
HIgantes Festival (November 22 – 23)
Ang Higantes Festival o ang Pista ni San Clemente ay isang masya at makulay na pista na isinasagawa sa Angono, Rizal. Sa Higantes Festival, ang mga lalaking deboto ay pinagpaparada sa mga kalsada na may kargang imahe ni San Clement.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- San Clement ay Santo ng mangingisda.
- Ang mga higante ay umaabot sa 12 talampakan sa tangkad at 5 na talampakan sa haba.
- Nagsisimula noong ang angono ay isnag hacienda ng mga Espanol.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng Land transportasyon: Ang jeepney at van sa may Farmers Market Cubao o sa Edsa Corssing papunta sa iba’t ibang bahagi ng Rizal. Maari ka rin sumakay ng bus na may signboard na Angona.
Giant Lantern Festival (December 1 – 31)
Isa sa mga popular na kapistahan sa Bansa, ang Giant Lantern Festival sa San Fernando City, Pampanga, na naghahatid ng masaya at makulay na diwa ng Pasko at ang dahilan kaya tinagurian ang Lungsod na “Christmas Capitla of The Philippines”.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:
- Ang pista ay napapakita ng kagalingan sa paglikha ng malahiganteng parol.
- Nasa 20 talampakan ang taas ng bawat lantern na ginamitan ng 10,000 ilaw.
Papunta doon:
- Sa pamamagitang ng land traspotasyon: Galing Maynila puntahan lang ang Bus Terminal.
Planuhin ang iyong bakasyon kung saan ang isa sa mga kahanga-hangang pagdiriwang na ito ay nais mong maranasan, Tawag sa mabuhay travel ay tutulong kami sa iyo na makahanap ng murang pamasahe sa Pilipinas. Maraming Salamat Po.